-- Advertisements --
Inamin ng isang Chinese official na nagkaroon na ng lamat ang samahan ng China at US.
Sinabi ni Chinese foreign minister Qin Gang na ang pagbabantay sa kanila ay hindi makakatulong para lumakas ang US.
Lalong lumala ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa dahil umano sa paglitaw ng spy balloon na pinabagsak ng US.
Giit pa ng Chinese official na naging negatibo lamang ang tugong ng US sa nasabing umanoy spy balloon kaya tuluyang nasisira ang kanilang relasyon.