-- Advertisements --
image 145

Nabawasan ana ng umaaligid na Chinese militia vessels sa West Philippine Sea subalit may ilan pa rin na kumpulan partikular sa bahagi ng Iroquois Reef at Sabina Shoal malapit sa Palawan ayon sa Western Command of the Armed Forces of the Philippines (AFP)

Sa kabila nito ayonsa WesCom, palagi aniya nilang pinagsasabihan ang mga Chinese vessels na nasa loob sila ng exclusive economic zone ng Pilipinas bagamat hindi sila nakakatanggap ng tugon mula sa Chinese militia.

Nauna ng kinumpirma ng Wescom na ang naobserbahang kumpulan ng ilang Chinese vessels sa West Philippine Sea ilang linggo matapos ang napaulat na insidente sa may Pag-asa island sa pagitan ng Philippie navy at Chinese Coast Guard kung saan narekober ang isangmetal debris.

Sa panig naman ng Department of National defense, sinabi ni officer in charge Senior undersecreatry Jose Faustino Jr na magsasagawa sila ng patuloy na maritime at aerial surveillance sa lugar.

Ang Iroqouis Reef ay malapit sa Ayungin shoal kung saan nakabase ang BRP Sierra Madre.

Ang nakitang kumpulan ng mga Chinese vessels ay malapit sa Reed bank kung saan mayroong service contracts ang Pilipinas para sa oil at gas exploration.