-- Advertisements --
Nakumpiska ngayon ng Bureau of Customs (BoC) ang mga Chinese medicine na walang kaukulang clearance sa Food and Drugs Adminstration (FDA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa BoC, ang naturang mga gamot ay aabot sa 180 kilos na idineklarang “vitamin pills” na nagkakahalaga ng P700,000.
Sinabi ng Customs na nakumpiska ang shipment sa bagaheng galing sa Xiamen, Fujian, China.
Taga-Muntinlupa naman ang lalaking consignee ng naturang kontrabando.