Nagdeklara na ng full capacity ang pamunuan ng Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC) dahil sa dumami pa raw na severe COVID-19 cases sa kanilang pasilidad.
“This has a palpable impact on our resident and nursing manpower with deleterious effects on their physical and mental health and residency training,” ani CGHMC medical director Dr. Samuel Ang at president/CEO Dr. James Dy sa isang liham na may petsang July 4.
Pinayuhan ng hospital officials ang kanilang mga consultant na sa ibang pagamutan muna i-refer ang mga COVID-19 patients.
Sa ngayon daw kasi ang protocol sa kanilang emergency room ay agarang pag-admit sa mga suspected cases na magne-negatibo sa rapid PCR test. Diretso naman sa ibang ospital ang mga magpo-positibo.
“The Office of the Medical Director is pursuing this program of limiting the admitted COVID patients to a manageable level to ensure that we deliver the healthcare expected of this institution while protecting our medical manpower and resources.”
Sa kabila nito, may ilang paglilinaw ang Department of Health (DOH) hinggil sa report ng ospital.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kahit matagal na nilang inatasan ang mga pagamutan na maglaan ng kama para sa COVID-19 patients, ay hindi naman lahat ay sumunod.
“The standard is 30-percent of beds in a hospital.”
“So if they declare that they have full capacity or the percentage of beds occupied in hospitals for COVID are high, we have to remember that these are just the assigned dedicated beds for COVID and not the entire hospital capacity.”
Binigyang diin ng opisyal na kung maga-anunsyo man ng full capacity ang mga ospital ay dapat na may kinalaman sa dedicated beds para sa COVID-19 patients.
Sa ngayon wala pang inilalabas na bagong anunsyo o paglilinaw ang pamunuan ng ospital.