-- Advertisements --

Itinanggi ng Department of Health (DOH) ang akusasyon ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na hinaharang umano ng ahensya ang pagpasok ng Chinese doctors na nakatakdang tumulong sa responde ng bansa kontra COVID-19.

Sa isang panayam nilinaw ni Health Sec. Francisco Duque na hinananda pa nila ang hotel accommodation at translators para sa 12 doktor na aalalay sa ating healthcare professionals na humahawak sa mga kaso ng virus.

Nitong weekend inamin ni Sec. Locsin na humingi siya ng tulong sa Chinese Embassy para magkaroon ng dagdag na pwersa ng mga doktor dito sa bansa.

Pero nabatid umano ng kalihim na hinarang ng DOH ang arrival ng mga ito.

Matapos marinig ang paliwanag ni Sec. Duque ay agad namang dinelete ni Locsin ang maanghang na post sa social media.

Sa huling tala ng Private Hospitals Association Philippines, Inc. 12 doktor na ang namatay dahil sa COVID-19.