
Walang nakikitang problema ang China sa pagbisita ni United States Vice President Kamala Hariis sa Palawan na probinsiyang pinakamalapit sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Batay sa pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning ng Chinese Embassy sa Maynila na ok lang sa gobyerno ng China ang naging hakbang na ito ng Amerika hangga’t makabubuti ito para sa kaayusan at stability sa rehiyon at hindi makakasira sa interes ng ibang bansa.
Ang naging pahayag na ito ng China ay kabalintunaan naman sa naging tugon ng China nang bumisita si US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan noong Agosto na itinuturing ng China na umano’y pangingialam ng Amerika sa internal affairs nito.
Nagpagalit ito sa China dahilan ng paglulunsad ng dosenang missiles nito bilang bahagi ng military activity na umano’y bumagsak pa sa katubigan ng Taiwan at Japan.










