Nagpalitan ng mga akusasyon ang China at United States nitong weekend hinggil sa pinagtatalunang West Philippine Sea, matapos sabihin ng militar ng China na itinaboy nito ang isang barkong pandigma ng US na sinabi naman ng US Navy na nasa routine freedom of navigation operation.
Ayon sa isang post sa opisyal na social media chat account ng Chinese People’s Liberation Army Southern Theater Command noong Sabado, ipinakalat ng militar ng China ang naval at air forces nito upang subaybayan at bigyan ng babala ang US Destroyer
Pero pahayag naman ng US Navy nitong Linggo, na ang US guided missile destroyer na Hopper ay may karapatan sa pag-navigate sa West Philippine Sea malapit sa Paracel Islands, na naaayon sa international law.
Matatandaan na inaangkin ng China ang halos buong West Philippine Sea, kabilang ang mga bahaging inaangkin din ng Vietnam, Indonesia, Malaysia at Brunei. Pero sinabi ng Permanent Court of Arbitration noong 2016 na walang legal na batayan ang mga claim ng China.
Samantala, nauna nang iniulat na sinimulan ng Pilipinas at Australia ang kanilang unang joint sea at air patrols sa dagat noong Sabado, ilang araw matapos akusahan ng Beijing ang Manila nang pag-enlist ng foreign fprces para magpatrolya sa West Philippine Sea, na tumutukoy sa joint patrol ng mga militar ng Pilipinas at US.
Ang insidente nitong weekend, sabi ng China, ay nagpapatunay na ang Estados Unidos ay isang out-and-out na ‘security risk creator’ sa West Philippine Sea.