-- Advertisements --

Nagbanta ang China sa Pilipinas na maghanda sa lahat ng posibleng consequences ng aksiyon nito sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos na akusahan ng China Coast Guard noong Sabado ang Pilipinas na nagdadala umano ng mga construction material sa Ayungin shoal para lamang depensahan ang panibago nanamang panghaharass nito kung saan muling binombahan ng tubig ang resupply boat ng PH na magdadala ng mga suplay sa mga tropa ng ating bansa na nakaistasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.

Nagdulot ito ng matinding pinsala sa Unaizah May 4 at ikinasugat ng lulan nito na 3 personnel ng PH Navy.

Ayon sa Chinese Ministry of Foreign Affairs, kapag ipinagpilitan umano ng PH ang ginagawa nito, ipagpapatuloy ng China ang pagsasagawa ng determinadong mga hakbang para protektahan ang territorial sovereignt, maritime rights at interests nito.

Sinabi din ng CCG na nagpatupad ito ng legal na regulasyon, pagharang at pagtataboy sa resonable at propesyunal umanong paraan.

Bilang tugon naman sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año nitong linggo na hindi matitinag ang bansa sa resupply mission nito sa military outpost sa Ayungin sa kabilang pa ng panibagong panghaharass ng mga barko ng China.

Sinabi din ng opisyal na magsasagawa sila ng top-level security meeting ngayong araw para talakayin ang insidente at ang kabuaang aspeto kaugnay sa WPS pagkatapos ay iprepresenta ang mga rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.