Inanunsyo ng militar ng China na nagsagawa ito ng live-fire at iba pang combat drills sa mga katubigang silangan ng Luzon Island sa Pilipinas, na tinawag nilang “kailangang operasyon” batay sa kasalukuyang sitwasyong panrehiyon.
Ang hakbang ay kasabay ng pagsisimula ng mahigit 17,000 tropa mula sa Estados Unidos, Pilipinas, at mga kaalyado para sa taunang Balikatan exercises 2026, na layong palakasin ang interoperability ng mga pwersa sa gitna ng tumitinding tensyon sa WEst Ph Sea. Kasama rin sa drills sa unang pagkakataon ang mga tropa mula Japan.
Ayon sa Southern Theater Command ng China, isinagawa ang mga pagsasanay na may live-fire, sea-air coordination, at mabilis na maniobra upang subukan ang kakayahan sa joint combat operations.
Giit ng China, ang kanilang operasyon ay alinsunod sa international law at bahagi ng pagprotekta sa pambansang soberanya at seguridad. Wala namang agarang pahayag ang embahada ng Pilipinas sa Beijing hinggil dito. (Report by Bombo Jai)
















