-- Advertisements --

Nag-alok ang China ng pagkakaroon ng joint military drill sa bansa.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr, na kanilang pinag-aaralan ang nasabing proposal na ito ng China.

Ang nasabing alok ay mula aniya kay Chinese Ambassador Huang Xilian.

Ang nasabing alok ay nagbunsod matapos ang makailang beses na namataan ang mga barko ng China sa bahagi ng West Philippine Sea.