Natanggap na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang relief goods na nagkakahalaga ng P10 million na donasyon mula sa gobyerno ng China para sa mga apektado at na-displace na biktima ng magnitude 7.0 na lindol sa Northern Luzon at iba pang kalamidad.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Rommel Lopez para sa 58,000 bags ng 5 kilo ng bigas mula Chinese government at sa lahat ng private partners para sa tulong at mga donasyon sa mga apektadong residente ng lindol.
Ito na ang ikalawang batch ng donasyon ng China kasunod ng 58,000 relief goods na ipinadala noong nakalipas na linggo.
Sa kabuuan nasa, 166,000 bags ng bigas ang ibinigay na donasyon ng Chinese government sa DSWD.