-- Advertisements --
Muling nagsagawa ang China ng panibagong military drills sa palibot ng Taiwan.
Ang hakbagng ay bilang protesta sa ginawang pagbisita ng ilang mga mambabatas ng US sa nasabing isla.
Nagpadala ng mga warships, missiles at jets ang China malapit sa Taiwan.
Magugunitang limang mga mambabatas ng US ang bumisita sa Taiwan na pinangunahan ni Senator Ed Markey ng Massachussets kung saan nakipagpulong ang mga ito kay Taiwan President Tsai Ing-Wen at ilang mga foreign ministers.
Tinalakay sa pulong ang mga usapin ng pangkalakalan, regional security at climate change.
Nauna ng nagsagawa ang China ng military drills noong nagtungo rin sa Taiwan si US House Speaker Nancy Pelosi.