-- Advertisements --
Naglunsad ang China ng ikalawa sa tatlo nilang modules sa permanent space staton.
Ang 23-ton Wentian laboratory module ay inilunsad sa likod ng Long March 5B ang pinakamalakas na rocket ng China.
Isinagawa ang launching sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan, China.
Sinimulan ng China ang pagtatayo ng space station noong Abril 2021 sa paglunsad ng Tianhe module.
Ang Wentian lab module ay mayroong habang 59 talampakan at dito gagawin ng mga astronauts ang kanilang scientific experiments.
Mayroong isang lab module ang kanilang nakatakdang ilunsad sa kalawakan na Mengtian.