Inihayag ng NEDA, na hindi ang China ang tanging pinagmumulan ng pamumuhunan para sa Pilipinas.
Ang pahayag ay matapos hingan ng komento si National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ukol sa sinabi ni dating presidential spokesperson Harry Roque na ang geopolitical challenges sa West Ph Sea at Strait of Taiwan ay maaaring makadiskaril sa mga proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI) ng China.
Sinabi ni Balisacan na ang Pilipinas ay may iba pang “potential funders.”
Aniya, sinusubaybayan nila ang mga proyektong pang-imprastraktura ng Belt and Road initiative.
Idinagdag niya na iniuulat nila ang mga development ng mga proyektong ito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Dagdag dito, kung hindi na aniya susuportahan ng China ang mga proyekto, maaaring buksan ito ng gobyerno ng Pilipinas sa ibang mga bansa.
Gayunpaman, hindi tinukoy ng Balisacan kung anong mga bansa ang maaaring pondohan ang mga proyekto kung hindi na susuportahan ng China ang mga ito.