-- Advertisements --

Hindi raw nababahala ang leading U.S expert on infectious diseases na mauunahan ng China ang Estados Unidos sa paggawa ng gamot kontra COVID-19.

Ayon kay Dr. Anthony Fauci na kumpyansa umano ito sa timetable ng naturang proyekto at siguradong mailalabas na ng Amerika ang bakuna bago pa man matapos ang taong 2020.

Sinabi niya ito matapos ilabas ng Moderna, isang biotechnology company, ang early stage data ng ginagawa nitong coronavirus vaccine na dinevelop ng mga scientists mula National Institute of Allergy and Infectious Diseases.

Karamihan kasi ng mga eksperto ay naniniwala na matatapos lamang ang nararanasang pandemic ng buong mundo kung magkakaroon ng ligtas at epektibong gamot laban dito.

Sa kabila nito, hiling pa rin daw ni Fauci na magtagumpay ang China sa kanilang iniimbentong gamot.

“One of the things that you hope for is that your vaccine induces a response that’s comparable to a natural infection, because theoretically, the best vaccine you could possibly ever get is a natural infection.,” wika ni Fauci.

“I think everybody’s sort of on the same track. They’re not going to get it particularly sooner than we get it. That’s for sure,”