-- Advertisements --

Nakatakdang pondohan ng Commission on Higher Education ang mas maraming hot and cold kitchen facilities para sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Layon nitong suportahan ang tourism at hospitality management programs ng bansa. 

Ayon kay CHED Chairperson Prospero de Vera III, nakapagpondo na sila ng halos 10 kitchen facilities at plano pa nilang magbigay ng pondo sa 15 na pampubliko at pribadong pamantasan ngayong taon.

Isa sa mga nakikinabang na sa programa ng CHED ay ang Laguna State Polytechnic University kung saan nakatanggap ito ng iba’t ibang kitchen equipment. 

Nasa 1,400 na estudyante raw ng Tourism Management at Hospitality Management ang makikinabang dito. 

Binigyang-diin ni De Vera na layon ng kanilang proyekto na makapagpatapos ng skillful graduates lalo na sa Tourism Industry bilang tugon na rin sa Tourism Act of 2009.