-- Advertisements --

Hindi na tatalakayin pa ng House Committee on Constitutional Amendments ang mga proposed amendments sa 1987 Constitution ngayong taon.

Ayon sa chairman ng komite na si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, isasantabi nila ang kanilang mga pagdinig sa Charter Change ngayong 2020 para bigyan daan ang deliberasyon at approval naman ng mga COVID-19 measures at proposed 2021 national budget.

Nauna nang sinabi ni Rodriguez na magko-convene ang kanyang komite dalawang linggo pagkatapos ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo para talakayin ang constitutional reforms na ipinapanukala ng League of Municipalities of the Philippines (LMP).

Sinabi ni LMP national president and Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis Chavit Singson na nakabuo sila ng resolusyon na nagpapanukala para ma-institutionalize ang sinasabing Mandanas Ruling ng Supreme Court sa Constitution at para alisin ang restrictions sa foreign investment sa mga industriya na kasalukuyang limitado sa mga Pilipino

Para sa mga alkalde, natitiyak nang institutionalization ng Mandas Rulling ang continuous fair share ng mga lokal na pamahalaan mula sa mga buwis na nakokolekta ng national government.