-- Advertisements --

Natanggap na ng Senado ang first batch ng Certificates of Canvass (COCs) at election returns (ERs) mula sa Malabon City, Vietnam at Cambodia.

Ang ballot boxes na naglalaman ng COCs at ERs mula sa naturang mga lugar ay itatago sa loob ng Senate building sa Pasay Ciy habang ang Kongreso naman na magsisilbing National Board of Canvassers (NBOC) para sa mga boto para sa mga pangulo at ikalawang pangulo ng bansa ay nakatakdang pa lamang na mag-convene.

Naunang dumating ang mga boto mula sa Malabon City gabi ng Martes ayon sa report mula sa Senate Records Management Team habang dumating naman ang ballot boxes mula sa Cambodia at Vietnam nitong umaga ng Miyerkules sa Senado.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang bawat election returns para sa President at Vice President ay duly certified ng board of canvassers ng bawat probinsiya o siyudad na ipapadala sa Congress papunta sa Senate President.

Pagkatanggap ng receipt ng Certificate of Canvass, bubuksan pa lamang ng Senate President ng hindi lalagpas ng 30 araw matapos ang eleksiyon ang lahat ng certificates sa presensiya ng Senado at House of Representatives sa isang joint public session at Congress.

Nakatakdang mag-resume ang session sa Senate at House of Representatives sa Mayo 23 kung saan pupulungin ng Congress ang NBOC para simulan ang official vote counts para sa pangulo at pangalawang pangulo.