DAVAO CITY – Naisampa na ang kasong Syndicated Staffa laban sa mga opisyal ng Titan29 matapos mahuli sa Tagum City ang tumakas at nagtago na CEO Ryan Maunes na nahuli sa Barobo, Surigao del Sur.
Ayon kay Maunes, itinalaga lamang siya bilang in-charge sa pagpakilala at expansion sa kompanya ngunit walang kontrol sa pumapasok at lumalabas ng pera.
Isang RL Sabosido ang pinanglanan ni Maunes na utak at ang may direktang kontrol sa pera ng kompanya.
Halos 200 investors na ang nagsampa ng reklamo laban sa Titan29 matapos itakas ng mga suspek ang aabot sa P500 milyon na investment.
“Sasabihin ko sa inyong lahat na ang pasimuno nito mula sa simula hanggang sa system, na siya ring naghire sakin ay si Sir RL Sabosido. Siya rin ang may hawak sa susi at may hawak sa funds ay si Sir RL Sabosido,” paglilinaw ni Maunes.
Napag-alaman na may mga banta rin sa buhay nang natatanggap ang mga agent ng kompanya.
Ayon sa kanila pati ang kanilang pera nadali rin ng nasabing investment company.