-- Advertisements --

Inirekominda ng isang kongresista na gawing centralized ang pagbili ng mga essential medical supplies na kailangan sa laban kontra COVID-19.

Hinimok ni Quezon City Rep. Precious Castelo ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Finance (DOF) bumili ng ng presonal protective equipment at iba pang mga medical supplies locallya at abroad.

Maari rin aniyang magtalaga ang gobyerno ng isang private group na binubuo ng mga negosyante na tumutulong na sa ngayon sa laban kontra COVID-19 para sa pagbili ng mga kagamitan na ito.

Ang kondisyon lamang aniya ay dapat matiyak ng naturang grupo na sa pinaka-maayos na presyo ang bibilhing mga PPEs at medical supplies.

Sa ngayon kasi sa kabila ng mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para gawing affordable ang presyo ng mga supplies na ito, patuloy pa ring tumataas ang presyo dahil sa mataas pa rin ang demand sa mga ito.

Kaya naman dapat aniyang habulin ng DTI at DOF ang mga hoarders, price manipulators at unscrupulous importers at distributors.