Aminado ngayon ang Boston Celtics na problemado sila kung paano mahahanapan ng sulosyon ang pagharang sa ipinapakitang matinding performance ng Golden State Warriors superstar na si Stephen Curry.
Noong manalo sa Game 4 ang warriors marami ang bumansag kay Curry sa kanyang ipinakita bilang legendary performance matapos magtala ng mahigit sa 40 points.
Bukas naman sa Game 5 na magsisimula ng alas-9:00 ng umaga ay napaka-crucial ang game lalo na at tabla na ang serye sa tig-dalawang panalo.
Sinuman sa Warriors at Celtics ang mananalo bukas ay isang panalo na lamang ang kailangan upang ibulsa ang NBA Finals crown sa best-of-seven series.
Dahil dito, nakasalalay sa gagawing misyon ng Boston kung paano madidiskaril at malilimita ang two-time MVP na si Steph Curry sa mga diskarte nito.
Kabilang sa naiisip ni coach Ime Udoka ng Boston ay ilatag ang mas pisikal na laro at pagbabantay sa NBA scoring champion.
Gayundin ang gagawing todo pressure kay Curry sa three-point areas.
Gayunman, kahit malimitahan ng Boston si Curry sa three-point ang problema rin ng Boston ay kapag nakawala si Curry at makuha nito ang tinatawag na rhythm dahil puwede naman itong pumuntos kahit saan areas.
Liban nito, kung hindi rin makapuntos si Curry, napakadelikado naman nitong player dahil sa napakagaling pa na playmaker.