-- Advertisements --

Naging maaksyon ang unang paghaharap ng Indiana Pacers at Boston Celtics sa Eastern Conference Finals.

Umabot kasi sa overtime ang laro dahil sa agresibong performance ng magkabilang panig.

Sa umpisa pa lang kasi nakuha agad ng Celtics ang kalamangan na 34-31, bago nakahabol ang Pacers sa ikalawang quarter.

Nakapuntos ng 36 points si Jayson Tatum at 15 points naman kay Derrick White para sa Celtics.

Habang nagtala naman sina Tyrese Haliburton ng 25 points at 24 points naman mula kay Pascal Siakam para sa Pacers.

Sa huli, nakuha ng Celtics ang buena manong tagumpay, makaraang magtapos ang laban sa 133-128.