-- Advertisements --

Nagdiwang ang buong Boston Celtics fans matapos na maipilit nila sa Game 7 ang Eastern Conference Finals nila ng Miami Heat 104-103.

Naging susi sa panalo ng Celtics si Derrick White ng mai-follow up nito ang bigong three-point shot ni Marcus Smart sa natitirang ilang segundo ng laro.

Sa unang bahagi ng laro ay hawak ng Celtics ang kalamangan hanggang ma-fouled si Jimmy Butler ng Miami.

Sa natitirang tatlong segundo ay naipasok ni Butler ang tatlong free-throws na nagbigay sa Heat ng 103-102 na kalamangan.

Sa ball possession ng Boston ay desidido sila makaabot sa Game 7 at nangyari ang suwerteng follow up shot ni White.