-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Cedric Lee dahil sa kasong serious illegal detention.

Sinabi ni NBI director Atty. Medardo Dilemos na sinundo nila si Lee sa lungsod ng Mandaluyong matapos na nagpadala ng mensahe na ito ay boluntaryong susuko.

Nitong Huwebes ay napatunayan ng Taguig Regional Trial Court sina Lee, Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero at Simeon Razguilty dahil sa pagkulong sa TV host at actor Vhong Navarro.

Hinatulan ng korte ang mga akusado ng reclusion perpetua o hanggang 40 taon na pagkakakulong.

Kinansela din ng korte ang pagpiyansa sa mga akusado.