-- Advertisements --

CEBU CITY – Umabot ng 8,407 ang newly diagnosed ng human immunodeficiency virus o HIV cases mula noong May 2022 kung saan naglagay sa Central Visayas sa ika-apat na pwesto sa 17 rehiyon ng Pilipinas na may pinaka-maraming kaso ng HIV.

Ang nasabing bilang sa rehiyon ay 8 porsyento sa pangkalahatang 100,298 mula noong May 2022, base sa report ni Dr. Ilya Abellanosa Tac-an, ang pangulo ng Cebu City Health Office – Social Hygiene Clinic.

Nakatala ang Cebu City ng 4,993 na mga indibidwal na may HIV, kung saan 59 porsyento ito sa pangkalahatang kaso sa rehiyon.

Ang nasabing mga kaso ay mula sa age group na 25-34 anyos na may 45 porsyento, sinundan ito ng 15-24 anyos na 27 porsyento; 35-49 anyos na may 24 porsyento; at 50 anyos pataas na 4 porsyento sa 4,993 na HIV positive.

Nakita na ang pag-share ng mga ‘infected needle’ o syringes ang numerong uno rason sa transmission o ang pagpasa ng HIV sa lungsod ng Cebu, kung saan 42 porsyento sa pangkalahatang kaso.

Mula noong Marso 2022, umabot ng 2,968 na mga HIV positive nitong lungsod ang na-enroll na sa antiretroviral therapy.