-- Advertisements --

Maganda pa ang resulta ng pagkikita nina Cebu City Mayor Mike Rama at dating pangulong Rodrigo Duterte sa lungsod ng Davao nitong weekend.

Kasama ang kanyang pamilya, dumalo ang mga ito sa isang fellowship dinner kung saan present din sina Senator Bong Go, dating Executive secretary Salvador Medialdea, at iba pa.

Nagpahayag ng kanyang papuri ang alkalde kasabay ng isinagawang flag-raising ceremony nitong Lunes sa harap ng mga empleyado ng City hall.

Sinabi pa ni Rama na sa kanilang paghaharap ng dating pangulo, napag-usapan nila ang iba’t ibang isyu na kinakaharap ng ating bansa at maging ang mga personal na isyu.

Dagdag ng opisyal na bilang presidente ng League of Cities of the Philippines, kailangan pa umano niyang magkaroon ng gabay sa lahat ng kanyang ginagawa kung paano harapin ang mga ito lalo pa’t wala na siyang mga magulang at nakatatandang kapatid na mapagsumbungan.

Samantala, nakatakdang lilipad bukas ang alkalde upang makipagkita sa iba pang government officials upang tapusin ang iba pang mga trabaho bago ang Charter day ng lungsod at tiwalang magdadala at magbubunga ito ng pagkakaisa.

Naisingit pa nito na posibleng magkakaroon ng reorganization sa City hall pagkatapos ng Charter day matapos nakapanayam na rin nito ang lahat ng department at division head.