-- Advertisements --

May inihandang live dance series ang Cultural Center of the Philippines (CCP) simula Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon.

Kaugnay nito, ipapakita sa buong production ang iba’t ibang sayaw na may kaugnayan sa kulturang Pilipino.

Pangungunahan ito ng Pulso Pilipinas I, na naglalayong ipagdiwang ang pagkakaisa sa pamamagitan ng pagtataguyod ng iba’t ibang kultura ng sayaw mula sa maraming istilo.

Ito ay gaganapin sa CCP Tanghalang Nicanor Abelardo simula Setyembre 23, alas otso ng gabi hanggang Setyembre 24, alas tres ng hapon.

Susundan ng Pulso Pilipinas II: Alay nina Alice at Agnes, kung saan itatanghal sa Main Theater Simula Setyembre 30, alas otso ng gabi, hanggang Oktubre 2, alas tres ng hapon.

Ang kukumpleto sa Dance Series 2022 line-up ay ang Puso ng Pasko na isang Filipino Ballet hango sa hit dance film production na Tuloy ang Pasko na itatanghal simula Disyembre 2, alas otso ng gabi hanggang Disyembre 4, alas tres ng hapon. (with reports from Bombo John Carlo Galvez)