-- Advertisements --

Inihayag ng Philippine Coast Guard na posibleng nagsasagawa ng signal jamming ang China Coast Guard sa tracking system ng mga barko ng Pilipinas West Philippine Sea.

Ito ay sa kasagsagan ng mga kamakailan lang na isinagawang operasyon ng Pilipinas sa naturang pinag-aagawang teritoryo.

Ayon kay PCG spokesperson for the WPS Commo. Jay Tarriela, batay sa kanilang naging obserbasyon, sa tuwing nagsasagawa raw ng rotational deployment ang kanilang ahensya at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Bajo de Masinloc shoal ay may mga pagkakataon aniya na hindi nakakapag-transmit ng automatic identification signals ang kanilang mga ginagamit na barko.

Kung kaya’t sa kanilang palagay ay nagsasagawa talaga ng signal jamming ang CCGt tuwing naglalabas ito ng statement na pinaalis umano nito ang mga barko ng Pilipinas sa WPS.

Sa pamamagitan kasi aniya signal jamming sa tracking system ng mga barko ng Pilipinas ay hindi nito magagawang pabulaanan agad agad ang naturang mga pahayag ng China sapagkat hindi mata-track ng kanilang mga kasamahan ang kanilang mga barko.

Ang automatic identification signals ay ginagamit ng mga barko upang mag-transmit ng impormasyon hinggil sa kasalukuyang posisyon nito upang matukoy at ma-locate din sila ng iba pang mga barko, habang trackable din ito ng mga ground stations at satellites. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)