-- Advertisements --

Hinirang ng mga Asian delegates sa Vatican summit si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Caloocan Bishop Pablo Virgilio “Ambo” David bilang isa sa pitong halal na miyembro ng information body.

Ang 64-anyos na Obispo ay Asian representative sa Commission for Information of the XVI Ordinary General Assembly of the Synod of Bishops.

Ilang mga commission members ay mula sa anim na rehiyon gaya sa Eastern Catholic at Middle Eastern Churches, Africa, North America, Central at South America, Asia, Europe, at Oceania.

Ilan sa mga magiging trabaho ni David ay ang mag collaborate sa communication arm at synod ng Vatican, mag-ulat sa progress ng synod at maghanda ng mga pahayag sa anumang talakayin kung kailangan.