-- Advertisements --
Tuloy pa rin ang panghihikayat ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mamamayan na magsuot pa rin ng facemask.
Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Health Care Executive Secretary Camilian Father Dan Cancino na hindi lamang sa COVID-19 mapoprotektahan ang isang tao maging sa usok at ibang sakit gaya ng tuberculosis.
Binigyan nito ng halaga ang pagsuot ng face mask lalo sa mga taong may mahinang resistensiya sa anumang sakit.
Magugunitang patuloy pa rin na ipinapatupad ang pagsusuot ng facemask sa mga dumadalo ng mga misa.