-- Advertisements --

Pinahiya ng koponang Dallas Mavericks ang katunggali nitong Utah Jazz sa kalamangan na tatlong puntos na nagtapos sa score na 103-100 sa naganap na
NBA season.

Nagpakitang gilas ang star player ng Mavericks nang makakuha ito ng 33 points, five rebounds at 11 assist para makuha nila ang kanilang ika-apat na panalo.

Habang nasayang naman ang diskarte ni Fil-Am Jazz player na si Jordan Clarkson na 22 points, five rebounds at eight assist dahil nasilat sila ng koponang Mavs.

Samantala sa ibang game naman, nagwagi ang Cleveland Cavaliers sa kalaban nitong Boston Celtics nang maungusan nila ito ng one point sa kabuuang score na 114-113 sa nasabi pa ding laro.

Dagdag dito, nabalewala ang ipinasok na 26 points at six assist ni Jayson Tatum dahil nalasap pa din nila ang ikaapat nilang pagkatalo.

Una rito, patuloy pa ding namamayagpag ang Milwaukee Bucks dahil inilampaso nila ang Detroit Pistons at wala pa din silang talo nang magsimula ang bagong NBA season. (with report from Bombo Allaiza Eclarinal)