-- Advertisements --

Sinibak ng Cleveland Cavaliers ang kanilang headcoach na si J.B. Bickerstaff.

Isinagawa ang nasabing pagsibak isang linggo matapos na sila ay malaglag sa ikalawang round ng Eastern Conference playoffs laban sa Boston Celtics.

Mayroong kabuuang 48 panalo at 34 na talo sa regular season ang Cavs at ito ang unang pagkakataon na nakaabot sa second round ng playoffs mula noong 2018.

Umupo si Bickerstaff bilang coach matapos na sibakin ang dating coach nila na si John Beilein noong 2019.

Sinabi ni Cavaliers president of basketball operations Koby Altman na naging mahirap ang nasabing desisyon subalit mas may nakakabuti pa sa kanilang koponan.

Sa ngayon ay wala pang inaanunsiyo ang Cavs kung sino ang papalit na bagong coach.