-- Advertisements --
Pinatawan ng 25 games suspension ng NBA si Cleveland Cavaliers center Tristan Thompson.
Ito ay kasunod sa paglabag sa anit-drug policy ng liga.
Nagpositibo kasi ang 32-anyos na si Thompson sa ibutamoren na isang growth hormone at SARM LGD-4033 na kadalasang ginagamit ng mga bodybuilders at weightlifters para sa kanilang muscle enhancement.
Magsisimula ang suspension nito sa araw ng Huwebes sa unang laro ng Cavs laban sa Milwaukee Bucks.
Bago napunta sa Cavs si Thompson ay naglaro na rin ito sa he Boston Celtics, Sacramento Kings, Indiana Pacers, Chicago Bulls at Los Angeles Lakers.
May average points ito na 3.8, at 3.9 na rebounds sa 12 minutong paglalaro.