Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa provincial government ng Cavite hinggil sa target nitong clinical trials ng ilang COVID-19 vaccines.
Ayon sa ahensya, bagamat hindi kailangan kumuha ni Gov. Jonvic Remulla ng approval mula sa DOH, ay dapat itong maka-secure ng clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA).
“As per IATF Resolution No. 65, all applicants for clinical trials should first be submitted to the Vaccine Expert Panel, reviewed by a designated ethics board and submitted to the FDA for review and approval for conduct of CT.”
Paliwanag ng DOH, may nakahandang zoning guidelines ang Sub-Technical Working Group on Vaccine Development para maiwasan ang kompetisyon sa mga trial sites.
Napagkasunduan daw sa meeting ng STWG noong July 30 na lahat ng magkaka-interes na gumawa ng Phase 3 clinical trial sa Pilipinas ay kailangang dumaan sa Department of Science and Technology (DOST.
Ang Science department kasi ang nangunguna sa STWG para sa development at pagdiskubre ng bakuna laban sa COVID-19 dito sa bansa.
Sa isang panayam sinabi ni Gov. Remulla na ang De La Salle Medical and Health Sciences Institute sa Dasmarinas City ang mangunguna sa gagawing trials.
Target daw ng inisyatibo na isali sa gagawing trial ang mga pulis, jeepney drivers, factory workers at senior citizens.