-- Advertisements --

Hangad ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray na maging bukas ang isipan at mag-ingat daw sa kanyang mga pahayag ang ex-boyfriend niyang Fil-German model na si Clint Bondad.

Unang pahayag ito ni Cat nang matanong hinggil sa patuloy na pag-iingay ng kaedaran niyang dating kasintahan, bagama’t hindi niya naman ito direktang binanggit.

Ayon pa sa 26-year-old half Australian beauty na tubong Bicol, nais niya na lamang mag-focus sa kanyang charitable works sa kabila ng mga kontrobersya.

Hinggil naman sa umano’y kumalat na pekeng hubad na larawan niya nitong weekend, mistulang ipinauubaya na lamang niya sa National Bureau of Investigation ang pagresolba sa kanyang reklamo.

“I just hope that everyone would really keep an open mind to what is being talked about and I hope that we would also be careful with how we discern information. I just want to continue my efforts towards my work… I think it just something to learn from po and to keep moving forward,” ani Gray.

Sa ngayon ay unti-unti nang nagiging bukas sa publiko si Gray sa kanyang bagong love life sa piling ng singer/actor na 10 years older sa kanya na si Sam Milby.