KALIBO, Aklan – Nanumpa na bilang acting port administrator ng Caticlan jetty port si Atty. Selwyn Ibarreta bilang kapalit ni dating Port Administrator Niven Maquirang.

Nilinaw ni Ibarreta na walang civil service eligibility si Maquirang dahilan na tinanggal sa puwesto.

-- Advertisement --

Nauna dito, sinasabing nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan si Maquirang at Mayor Abram Sualog ng Malay.

Si Sualog ang pumalit sa pinatalsik na si dating Malay Mayor Ceciron Cawaling.

Si Ibarreta ang tumatayong provincial administrator at pansamantalang itinalaga sa puwesto habang naghahanap pa ng kapalit ni Maquirang dahil bawal pa ang pag-appoint sa mga bakanteng posisyon sa gobyerno bunsod ng banning period.

Samantala, ikinatuwa ni Ibarreta ang patuloy na pagbuhos ng mga bakasyunista para sa isang linggong pagdiriwang ng “Love Boracay.”