-- Advertisements --
Carriedo
IMAGE | Carriedo St., Quiapo, Manila/TopGear

Sinibak ni Manila City Mayor Isko Moreno ang hepe ng isang istasyon ng Manila Police District (MPD) matapos mabatid na tambak sa basura ang lugar na sakop nito.

Nitong umaga nang libutin ni Moreno ang kalye ng Carriedo na isa sa mga unang nilinis nito kasabay ng pagupo sa pwesto.

Bukod sa mga basura, nakita rin ng alkalde ang mga nakahambalang na tent ng street vendors na una na nitong pinaalis sa lugar.

Kamakailan nang sibakin din ni Moreno ang hepe ng MPD station sa Lawton dahil sa mga kalat at dumi na nakita sa paligid ng Bonifacio shrine.

Siyam na pulis din ang ni-relieve sa pwesto dahil naman sa pangingikil sa mga illegal vendors ng siyudad.