-- Advertisements --

Tiniyak ni Pinoy Olympian Caloy Yulo ang paglahok niya sa 32nd Southeast Asian Games nagaganapin sa Cambodia mula Mayo 5 hanggang 17.

Sinabi nito na nais niyang mahigitan ang limang gintong medalya na kaniyang nakamit noong 2022 SEA Games na ginanap sa Vietnam.

Paglilinaw naman nito na hindi na ito makakapaglaro sa Asian Games na gaganapin sa China mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 8 dahil may nauna na itong lalahukan at ito ay ang 2023 World Artistic Gymnastics Championship na gaganapin naman sa Belgium.

Ang nasabing torneo kasi na nakatakda sa Setyembre 29 hanggang Oktubre 8 ay isang qualifying torunament para sa 2024 Paris Olympics.

-- Advertisement --