-- Advertisements --

Patuloy ang pamamayagpag ni Filipino gymnast Carlos Yulo sa mga iba’t-ibang kumpetisyon sa ibang bansa.

Nitong Linggo ay nakakuha ito ng gintong medalya sa vault event ng FIG Artistic Gymnastics World Cup Series sa Baku, Azerbaijan.

Nagtala ito ng kabuuang 14.933 points na tinalo niya si Harry Hepworth ng United Kingdom na nagtala ng 14.816 points habang mayroong 14.716 points si Shek Wai-hung ng China.

Ito na ang pangalawang gintong medalya ni Yulo sa nasabing event na ang una ay noong Sabado kung saan sa parallel bars event naman.