-- Advertisements --

Kapwa nag-uwi ng medalya ang magkapatid na Carlos at Eldrew Yulo sa 13th Men’s Artistic Gymnastics Senior Asian Championships na ginanap sa Zunyi, China.

Nagkamit ng gintong medalya sa floor exercise final si double-Olympic champion Carlos Yulo.

Habang ang kapatid nito ay bronze medal matapos ang historic podium finish.

Mayroong kabuuang 14,700 points si Carlos habang silver medal naman ang naiuwi ni Shoma Tsukiyama ng Japan.

Habang mayroong 14,300 si Eldrew na sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine gymnastics ay nagkasama ang magkapatid sa isang senior-level podium.

Ito rin ang unang pagkakataon na nagkalaban ang dalawa sa senior Asian Championship level.

Mayroon pang dalawang event finals si Carlos sa araw ng Linggo habang si Eldrew ay mayroong isa pang apparatus final.