-- Advertisements --

Nagkamit ng bronze medal sa men’s wushu sanda ang pambato ng bansa na si Carlos Baylon Jr sa 2025 Chengdu World Games sa China.

Dinomina ni Baylon Jr ang kaniyang kalaban na si Islam Karimov ng Kazakhstan sa score na 2-0.

Nagtala ng ilang takedowns si Baylon at ginamit nito ang kaniyang lakas para mapatumba ang kalaban.

Sinabi nito na kuntento siya sa laban kung saan pinasalamatan niya ang lahat ng mga sumuporta sa kaniya.

Noong Abril ay nagwagi siya ng gintong medalya sa IWUF 10th Sanda World Cup na ginanap sa Jiangyin, China.