-- Advertisements --

Hinikayat ng Manila archdiocese ang mga dadalo sa tradisyonal na ‘Simbang Gabi’ na boluntaryong magsuot ng face mask.

Sa circular na inilabas ni Cardinal Jose of Advincula ng Manila archdioces na ang nasabing hakbang ay base na rin sa rekomendasyon ng Ministry on Health Care ng nasabing archdiocese.

Base kasi sa pagtaya ng Department of Health na mayroon silang naitalang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga nagdaang araw.

Payo pa ni Advincula na ang mga may nararamdaman na sintomas ng COVID-19 ay mabuti ng huwag ng personal na dumalo sa misa at mag-isolate na lamang at makinig sa kanilang online mass.