-- Advertisements --

Nakatakdang idepensa ni pound-for-pound boxing star Saul “Canelo” Alvarez ang kaniyang titulo laban kay John Ryder.

Gaganapin ang pagdepensa ng kaniyang WBC, WBA, WBO at IBF world super middleweight title sa Mayo 6 sa Akron Stadium s Zapopan, Mexico.

Huling lumaban si Alvarez ay noong Setyembre ng talunin niya sa pamamagitan ng unaminous decision si Gennady Golovkin sa ikatlong paghaharap nila.

Matapos ang laban ay sumailalim siya sa operasyon sa kaniyang kaliwang kamay kung saan nagpahiwatig ito na baka hindi na siya sasabak sa boxing.

Mayroong 58 panalo, dalawang talo at dalawang draw na mayroong 39 knockouts si Alvarez habang mayroong 32 panalo at limang talo na may 18 knockouts si Ryder.