Muntik mauwi sa todong labu labo ng suntukan ang dalawang mahigpit na magkaribal na sina super middleweight champion Canelo Alvarez at Caleb Plant habang nagsasagawa ng promotional tour ng kanilang laban sa Beverly Hills, California.
Una rito nag-face off ang dalawa at nagkadikitan ang mukha habang nagpapalitan ng maanghang na salita at nagpormahan.
Sinabi raw kasi ni Caleb na mandaraya noon sa droga si Alvarez.
Dito, hindi nagustuhan ni Canelo ang bastos daw na salita ni Plant kaya bigla niya itong itinulak.
Sumugod na bigla si Caleb at nagpakawala ng left cross na nailagan naman ni Alvarez.
Akma namang magkaroon na ng riot, hanggang awatin ng kanilang mga staff ang dalawang magkalabang boksingero.
Si Canelo (56-1-2, 38 KOs) ay kampeon sa WBC, WBO, WBA at Rin
g Magazine champion Alvarez habang si Caleb (21-0, 12 KOs) ay wala pang talo ng siyang ay IBF champion.
Aayat ng ring ang dalawa sa November 6 sa MGM Grand sa Las Vegas.