-- Advertisements --
Mas naging makahulugan ang dapat sana’y huling araw sa chemotherapy session ng isang cancer patient sa Amerika matapos mapanalunan ang jackpot sa kanilang local loterry.
Batay sa anunsyo ng North Carolina state lottery commission na “Win It All Scratch-Off” nagwagi ng $200-milyon (P10.2-milyon) ang residente nitong si Ronnie Foster.
Sa isang panayam kay Foster sinabi nito na naisipan niyang tumaya sa lotto habang papunta siya sa huling chemo sessions niya.
“Winning this made it my lucky day. I saw all those zeros and I froze,” ani Foster.
Isang retiradong empleyado ng US Department of Transportation, na-diagnose sa colon cancer ang lotto jackpot winner.