In-extend ng US Embassy sa Pilipinas ang kanselasyon ng mga appointment para sa visa interview hanggang katapusan ng Mayo bilang tugon sa pinalawig pang enhanced community quarantine sa mga lugar sa Luzon.
Sa inilabas na anunsyo ng Embahada, inurong ng tanggapan ang orihinal na schedule nitong cancellation na hanggang May 4 lang sana.
“The U.S. Embassy in the Philippines is canceling all immigrant and nonimmigrant visa interviews scheduled through May 31. We will resume routine visa services as soon as possible but are unable to provide a specific date at this time,” batay sa statement.
Nilinaw ng opisina na walang ipapataw na bayad sa pagpapalit ng schedule sa appointment, gayundin valid ng hanggang isang taon ang visa application fee.
“After the enhanced community quarantine is lifted in Metro Manila, all affected applicants should reschedule their visa interviews through the Embassy call center by phone at +63 (2) 7792-8988 and +63 (2) 8548-8223, or through the online appointment system at ustraveldocs.com/ph”