-- Advertisements --

Hindi na makakapaglaro si world number six tennis player Bianca Andreescu sa Madrid Open matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19.

Sa kaniyang Twitter ibinahagi nito na nalaman na lamang niya ang resulta ng ito ay magpa-swab test sa Madrid.

https://twitter.com/Bandreescu_/status/1386391607465947136

Wala naman itong nararamdaman na kahit anumang sintomas at siya ay nagpapahinga.

Mahigpit din aniya nitong sinusunod ang mga ipinapatupad na health protocols sa nasabing bansa.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay hindi na nito itinuloy ang laban kay Ashleigh Barty sa Miami Open final dahil sa right foot injury.

Taong 2019 ng magwagi ang 20-anyos na si Andreescu sa US Open ng talunin si Serena Williams.