-- Advertisements --
Nahaharap sa batikos si Canadian Prime Minister Justin Trudeau dahil sa pagkanta sa isang hotel sa London ilang araw bago ang libing ni Queen Elizabeth II.
Makikita sa kumalat na video na kumakanta ang Canadian Prime Minister habang may tumutugtog ng piano sa isang lobby ng hotel ng kantang “Bohemian Rhasody” ng Queen.
Maririnig din ang boses na tila hinaluan pa nito ng ibang kanta na hindi na ikinatuwa ng mga mamamayan ng London.
Dahil dito ay noong lumabas siya sa hotel ilang oras bago ang libing ni monarch queen ay may ilang tao ang nagsigawan at nagkantiyaw sa Canadian lider.
Isa si Trudeau na dumalo sa state funeral ni Queen Elizabeth II nitong Lunes.