
Nakatakdang magdeploy ang Canada ng satellite-based sea monitoring sa Pilipinas sa oras na makumpleto na ang kasunduan na magbibigay ng access sa bansa para sa Dark Vessel Detection program sa gitna na rin sea row sa China.
Ayon kay Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman, magbibigay ang naturang programa ng isang satellite-based near-real time monitoring capability na magpapaibayo pa ng maritime domain awareness ng PH.
Makakatulong din ito sa abilidad ng Pilipinas na labanan ang iligal, unregulated at unreported fishing gayundin sa pagprotekta ng ating marine environments.
Umaasa naman ang Canadian Embassy na malagdaan ang kasunduan sa 6th Philippine-Canada Joint Commission for Bilateral Cooperation meeting sa Ottawa sa susunod na linggo at nakahanda din aniya ang Canada para ideploy ang sistema sa mga susunod na linggo.
Ang tulong na ito ng Canada ay sa gitna pa rin ng patuloy na aggression ng China sa pinagtatalunang karagatan kabilang sa west PH Sea gayundin ang probokasyon at panghaharass nito sa mga personnel ng PH sa katubigan nito.
Kabilang na dito ang pagtutok ng laser, pambobomba ng tubig o water cannon at paglalagay ng floating barriers na humarang sa mga mangingisdang Pilipino mula sa kanilang fishing grounds.










