-- Advertisements --
Tatakbo ulit si House Deputy Speaker Camille Villar bilang kongresista ng lone district ng Las Piñas City.
Personal na inihain ni Villar ang kanyang certificate of candidacy (COC) para sa kanyang pagtakbo bilang kongresista ng lungsod sa ikalawang termino.
Sa paghahain niya ng kanyang COC, sinabi ni Villar na kung mananalo ulit siya ay patuloy niyang tutulungan ang kanilang lungsod sa pagbangon ng lubusan sa pandemya.
Si Villar ay anak ni Sen. Cynthia Villar at dating senator Manny Villar.
Siya ay unang nahalal bilang kongresista ng Las Piñas City noong 2019 kung saan tinalo niya si Jerry Delos Reyes makalipas na makatanggap ng 89.78 percent ng boto.